Pagkasunog ng Mga Kabahayan sa El Nido w/ Four Stages of Disaster Management.

Nangyari ito sa araw ng Enero 19, 2019. Iniimbistigahan pa nila kung ano ang naging sanhi nito. Nagkaroon ng malawakang sunog at dahil sa dami ng liquor na nasa lugar na iyon, naging sanhi ito ng mabilisang pagkalat. Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

Nawalan ng negosyo ang mga nasunugan, mahihirapan kumita ng pera, at nawalan ng natitirahan. Kailangan ito bigyan ng pansin para hindi na ito maulit sa ibang mamamayan para mabigyan ng babala ang bawat isa sa pagdating ng sunog.

Ating talakayin kung papaano pinangasiwaan ng Gobyerno ang pangyayaring ito.

4 STAGES OF DISASTER MANAGEMENT

Prebensyon o Mitigasyon (Prevention/Mitigation)

Bago nangyari ang lahat ng ito, naglagay sila ng fire extinguisher para masiguradong may panlaban sa apoy kapag sakaling lumakas ito.

Gobyerno nagbigay ng representative para turuan ang tao gumamit ng fire extinguisher at kung sa kaling naging biktima ka pwedeng maturuan ng basic tips kapag sa gitna ng residente.

Preparasyon (Preparation)

Sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ang pagpaplano kung paano nila ito malalampasan, ngayon lahat ng mga establishment ay kinakailangan na magkaroon ng fire extinguisher.

Hindi nakalagay kung saan saan ang mga wires dapat naka operate na. Matignan kung may posibilidad ba ito pumutok o mag spark ang kinakabitan ng kuryente.

Pagtugon (Response)

Kinailangang kumilos agad kaya’t ang local na nangangangasiwa sa ganitong mga sakuna ay tumawag ng Fire Truck

Tumulong din ang ibat ibang organisasyon tulad ng ayala gamit ang Fire Truck para mapabilis ang pagpatay ng apoy. Tumulong ang ibang tao sa pamamagitan ng tubig galing sa baybay.

Pagbangon (Recovery)

Sa aking naimbistiga nireconstruct ang ibang mga nasunog na establishment, ang iba naman hanggang sa ngayon ay naglilinis at tinatanggal ang mga natitirang debris. Sa kasalukuyan ang iba rin ay hindi pa nakakarecover dahil sa tindi ng nangyari.

Leave a comment