ISYU SA MIGRASYON
I. Introduction
▪ Ano ang migrasyon?

Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. Ang migrasyon ay nangyayari dahil sa iba’t ibang mga dahilan.
II. Uri at Anyo
A. Internasyonal (paglipat sa ibang bansa)
Ang international migration ay ang proseso ng paglipat mula sa isang bansa patungo sa isa pa. Ito ay nagsasangkot ng pagkilos.
B. Panglokal (nakapaloob sa loob ng bansa)
• Interregional = region-region

• Intraregional = around the region

III. Mga halimbawa sa Uri at Anyo
Karamihan dito sa El Nido , ang rason kung bakit nagkakaroon ng migrasyon o paglipat sa ibang lugar ay:
a. Pag-aaral o pagkuha ng teknikal na kaalaman.

b. Pag hanap ng ligtas na lugar.

c. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang lugar.

d. Touristang namamasyal.(pansamatala)

IV. Pamaraan ng pagkuha ng impormasyon
a. Sa mga kakilalang estudyanteng nanggaling sa ibang lugar(interview)
Savanna, taga ibang bansa na isa sa mga naging estudyante dito sa El nido, Palawan. Mga rason kung bakit napadpad at nag-aral dito; una sa lahat walang choice ang kanyang parents kung hindi pag-aralin ang kanilang mga anak dito sa El Nido dahil walang pwedeng mag bantay sa mga anak nila (including Savanna). Dahil naka schedule na ang mga pupuntahan ng parents niya upang mamasyal sa iba’t ibang bansa.
b. Mga sitwasyon nila nung nasa ibang lugar palamang.(kilalang galing ibang lugar)
Roy Socrates, nagtatrabaho dati sa ibang bansa(Dubaii) na bumalik din dito makalipas ng ilang taon dahil hindi sapat ang kanyang kinikita sa ibang bansa. Hindi na rin ligtas ang lugar na iyon dahil sa pangyayaring pag sunog ng building na kung saan doon siya naninirahan. Kaya naisipang bumalik dito sa Pilipinas sa El Nido, Palawan. Gumawa nalamang ng sariling business na kikita pa siya sa kanyang mga pangangailangan.
c. Lumipat dahil sa panghihikayat ng kapamilya
Pangging Caro, napilitang lumipat at iwan ang kanyang mga magulang sa Iloilo dahil may asawa nang taga El Nido. Dahil rin sa panghihikayat ng ibang pamilya na side ng asawa ni Pangging Caro na nagngangalang Rex. Nung mga araw na iyon ay nagdadalang tao siya at kailangan raw ay may ama na mag aalaga sa kanilang magiging anak.
V. Conclusion
▪Maraming immigrants na pinipiling dito manirahan dahil sa kagandan at sa kaligtasan ng lugar.
▪May kapamilya/kamag-anak
▪Para matupad ang mga angarap sa buhay











